Sunday, October 9, 2022





 4 Na Paraan Para Maimprove ang Iyong Cooking Skills


1. Gumamit ng tamang kasangkapan


Magugulat ka na lang kung gaano kalaki ang magiging improvement sa iyong pagluluto gamit ang tamang kasangkapan. Kahit sinong sikat n chef ay hindi makakaiwas sa hindi pantay na pagkakabake sa palpak na oven. Kaya't tantanan mo na ang paghiwa sa mga sibuyas gamit ang isang mapurol na kutsilyo at mamuhunan sa ilang mga de-kalidad na kagamitan sa pagluluto. Hindi lang ito makakatipid sa iyo ng maraming oras (at mga luha), ito ay magdudulot malaking pagkakaiba sa iyong mga kasanayan sa pagluluto. Hindi mkakatiis ang ating mga chef nang walang plastic spatula, magandang chopping board, sharpening steel, at cast iron frying pan na hindi non-stick! Ang mga mahahalagang bagay na ito ay isang magandang lugar kung saan ka pwede magsimula.


2. Kilalanin ang mga Sangkap


Mainam na maunawaan kung ano ang kalalabasan ng iyong mga sangkap kapag sumailalim sa iba't ibang proseso ng pagluluto, tulad ng pagpapasingaw, pagpapakulo, pag-ihaw at pagbe-bake. Kaya sa paraang ito ay magagawa mong ayusin ang iyong recipe nang naaayon. Halimbawa, soggy ba ang iyong kamote fries sa oven? Bakit hindi mo subukang ayusin ang iyong recipe sa pamamagitan ng pag deep fry nito.


Magandang kasanayan din na gumamit ng mga sariwa, mataas na kalidad na mga sangkap. Maaari silang magdagdag hindi lang sa iyong pang lasa, pati na rin sa iyong confidence. Subukang gumamit ng mga nasa panahon at hinog na ani sa halip na mga delata, dahil mas sariwa at masigla ang magiging lasa nito.


3. Alamin ang basic cooking techniques


Ang pag-aaral ng mga basic cooking techniques sa pagluluto ay mahalaga. Kaya kapag hiniling sa iyo ng isang recipe na mag sauté or braise ng isang sangkap, ang kakulangan ng kaalaman ay hahadlang sa iyong chance makagawa ng isang culinary masterpiece! Ang pinakamahusay na paraan upang matutunan ang mga basic techniques na ito ay ang pag pag nood sa mga sikat nating chefs at pag gaya sa kanila. Matututunan mo ang mga bagay tulad ng tamang pag hawak sa kutsilyo, poaching, at paghahanda ng stock. Ikumpara mo ang iba't ibang techniques ng mga idolo naten at piliin ang pasok sa istilo mo.


4. Practice, practice, practice!


Kahit na sinong Master Chef ay hindi nakuha ang kanilang mga kasanayan sa pagluluto overnight. Upang maperpekto ang anumang bagay, dadaan ka sa maraming pagsasanay at makakaranas din ng mga kapalpakan. Magpatuloy lamang at subukan ulit, unti unti kang makakakita ng steady progress sa iyong skills. Learn from your mistakes ika nga nila para malaman mo kung ano ang hindi dapat gawin sa susunod na pagkakataon or kung san may kulang. At kapag naging kumpiyansa ka na sa iyong pagluluto at naging mas pamilyar ka sa mga sangkap, subukan mo naman mag-eksperimento at lumikha ng sarili mong istilo. Malay naten ikaw na pala ang susunod na Master Chef!


0 comments:

Post a Comment